Saturday, November 26, 2011

Love Bell "The Love Guru"

LOVE BELL: Mga kaibigan, narito na naman tayo sa ating mainit na programang "Love Bell 'The Love Guru'. Ngayon po, as usual, babasahin natin ang mga liham ng ating mga taga-subaybay. Ito po ang liham ni Rika.

"Dear Love Bell. Isa ako sa inyong napakaraming tagahanga. Ako po ay si Anaclita Hayahay, Rika for short. Isa ho akong kasambahay. May nobyo ho akong ang pangalan ay si Tibo. Nagsimula ho ang pag-mamahalan namin sa isang text lamang. Napadalas ang aming pag-tetext hanggang sa na-uwi sa eye-ball ang lahat. Masayang-masaya ho ako sa simula. Palagi nya akong dinadala sa Jolibee. Umo-order sya parati ng hotdog sandwich para sa'kin. Damang-dama ko ho ang pag-ibig ni Tibo. Ngunit isang araw, tila nag bago ho ang lahat. Hindi na ho kami sa Jolibee pumupunta kundi sa mga sidewalk vendors na lang. Yan ho ang totoo Love Bell. Hindi na ho hotdog ang ino-order nya para sa'kin kundi kwek-kwek nalang ho. Ang tanong ko po sa inyo ay kung mahal pa kaya ako ni Tibo? Nagmamahal - Rika".

LOVE BELL: Mga kaibigan, yan ho ang malungkot na liham ni Rika.

LOVE BELL: Alam mo Rika, hindi naman nasusukat ang pag-ibig ninoman sa pagkain lamang. Nasusukat ito sa ibang aspeto ng buhay. Hindi porke't hindi na hotdog ang binibili ni Tibo para sa'yo ay hindi kana nya mahal.

LOVE BELL: Malay mo, wala lang talaga syang pera. Kina-kapos yong tao. Maawa ka naman. Ang mahal pa naman ngayon sa Jolibee. Malay mo, ang pera pala nya ay napupunta na lahat sa kwek-kwek na binibili nya para sa'yo. It's not the gift that matters it's the effort. O haa?

LOVE BELL: Kaya ikaw Rika, cool ka lang. At saka, masarap naman ang kwek-kwek a. Katunayan paborito ko ang kwek-kwek. Maka limang kwek-kwek nga ako isang araw. Alam mo bang super paborito ko ang kwek-kwek kaya ako, kwek-kwek sa umaga, kwek-kwek sa tanghali at kwek-kwek sa gabi. At hindi lang masarap ang kwek-kwek, puno pa ito ng protina. O haa?

LOVE BELL: Kaya chill kalang Rika. Yong boyfren ko nga, dinala ako sa santong kwek-kwekan. Kaya eto ako ngayon, na hilig na sa kwek-kwek.

LOVE BELL: Kaya ikaw kwek,,, este, Rika, wag mong isipin na hindi ka na Mahal ni Tibo. Be positive okey? Next letter sender...

Recent Articles